PANGUNGUSAP
Sa linggwistika , ang pangungusap ay lipon ng mga salita na nagpapahayag ng buong diwa . Binubuo ito ng panlahat na sangkap, ang panaguri at ang paksa subalit buo ang diwa. Mga nilalaman 1 Mga ayos 2 Uri 2.1 Ayon sa pangungusap na walang paksa 2.2 Ayon sa kayarian 2.3 Ayon sa gamit Mga ayos [ baguhin | baguhin ang batayan ] May dalawang ayos ang pangungusap, ang karaniwan at di-karaniwan. Kung ang panaguri ay nauuna kaysa simuno, ang pangungusap ay nasa karaniwang ayos; at kung ang simuno naman ang nauuna kaysa sa panaguri, ang pangungusap ay nasa di-karaniwang ayos. Ang panandang "ay" ay kadalasang makikita sa mga pangungusap na nasa di karaniwang ayos. Karaniwan - nagsisimula sa panaguri at nagtatapos sa simuno Halimbawa: Mayroong bagong tsinelas si Ana . Di-Karaniwan - nagsisimula sa simuno at nagtatapos sa panaguri Halimbawa: Si ranilene ay bumili ng bagong tsinelas . Uri [ baguhin ...