PAGLALAHAD

Ang Paglalahad ay isang anyo ng pagpapahayag na naglalayong mabigyang-linaw ang isang konsepto o kaisipan, bagay o paninindigan upang lubos na maunawaan ng nakikinig o bumabasa. Sa Pamamagitan ng paglalahad ay nagiging ganap ang pagkatuto ng isang tao dahil nabibigyan siya ng pagkakataong makatuklas ng isang ideya o kaisipan na makapaghahatid sa kanya ng kasiyahan at kalinawan sa paksang pinag-uusapan. 
Itinituring din ang paglalahad bilang isang uri ng 
pagpapaliwanag ng tao ukol sa mga bagay-bagay na may kaugnayan sa kanyang mga gawaing pangkomunikasyon. 
Iba't ibang pamamaraan ang gamit ng tao sa paglalahad lalo't sa parang pasalita o pabigkas. Ngunit kapag ito ay sa paraang pasulat, mahalagang makita ang mga sumusunod upang maging epektibo sa bumabasa: 
1. Gawing malinaw ang paksa at sikaping malinaw din 
ang pagkasulat nito. 
2. Gumagamit lamang ng mga salitan at pangungusap na 
madaling maunawaan. 
3. Sikaping maging maayos ang organisasyon. 
4. Panatilihin ang makatawag pansin na simula, ang 
mayamang bahagi ng katawan at kapana-panabik na 
wakas. 
5. Basahing muli ang isinulat at iwasto kung 
kinakailangan. 
6. Pumili ng angkop na pamagat at isulat sa gitnang 
bahagi ng papel. 

MGA KATANGIAN NG MAHUSAY NA PAGLALAHAD 
1. Kalinawan - Malinaw ang paliwanag at angkop o tama ang 
mga salitang ginagamit. 
2. Katiyakan - Nakafokus lamang sa paksang tinatalakay at 
tiyak ang layunin ng pagpapaliwanaga. Iwasan ang mga 
bagay na di kaugnay sa tinatalakay. 
3. Kaugnayan- magkaugnay ang mga pangungusap o talata. 
4. Diin - binibigyang diin ang mga mahahalagang kaisipang 
nais talakayin. 

MGA BAHAGI NG PAGLALAHAD 
1. SIMULA - nakatatawag-pansin; nakakaakit; 
nakapupukaw;nakagaganyak at nakahahatak ng 
kuryosidad. 
Ilan sa mga halimbawa ng maaring simula: 
a. Pagtatanong 
b. Pagkukwento o Pagsasalaysay 
c. Pagsipi o paghalaw ng isang saknong 
d. Paggamit ng siniping pahayag 
e. Dayalogo o usapan 
f. Makatawag pansing pangungusap 

2. Katawan o Gitna - binubuo ng talatang kinapalooban ng 
mga pangunahin at pantulong na kaisipan upang maibigay 
ang detalye sa isang paksa. Dapat magkaroon ng kaisahan, 
kaugnayan at diin ang mga kaisipan para hindi malito ang 
bumabasa. 

3. Wakas - nag-iiwan ng isang impresyong titimo sa damdamin 
at kikintal sa isipan ng mamababasa. gaya ng panimula, 
ang paglalahad ay maaaring wakasan sa iba't ibang 
paraan. Balikan ang talakay tungkol dito na naisa-isa na 
sa mga naunang aralin. 

MGA URI NG PAGLALAHAD 

1. Pagbibigay Katuturan - napalilinaw nito ang pag-uunawa 
sa kahalagahan ng isang bagay, tao, pangyayari, dinarama 
o konsepto. 

2. Pagsunod sa Panuto/pamamaraan 
Halimbawa nito ang pagsunod sa isang recepi o paraan ng 
paglaro ng isang uri ng laro. 

3. Pangulong Tudling/Editoryal - nagpapahayag ng opinyon o 
palagay ng editor ng isang pahayagan o magasin tungkol 
sa napapanahong isyu. 

4. Sanaysay - anyong panitikan na naglalahad ng kuru-kuro, 
pananaw, paniniwala at damdamin ng manunulat, hango sa 
kanyangkaranasan at sa inaakalang palagay niya sa 
katotohanan. 

5. Balita - naglalaman ng mga pang-araw-araw na pangyayari 
sa loob at labas ng bansa. 

6. Pitak - karaniwang makikita sa mga pahayagan o magazin. 
Naglalaman ng reaksyon, kuru-kuro at pansariling pananaw 
hinggil sa isang napapanahong isyu o pangyayaring 
nagaganap sa kanyang paligid o sa iba pang pook. 
Tinatawag din itong kolum. 

7. Tala - paglilista ng mga bagay-bagay na dapat gawin o 
tandaan. 

8. Ulat - paglalahad ng mga kaisipan o kaalamang nakuha, 
natutunan o nasaliksik mula sa binasa, narinig, nakita o 
naranasan. 

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

PAKIKINIG

PAGLALARAWAN

PANLAPI