PANGANGATWIRAN
PANGANGATWIRAN
- Ito ay isang pahpapahayag na nagbibigay ng sapat na katibayan o patunay upang ang isang panukala ay maging katanggap - tanggap o kapani-paniwala. Layunin nito na hikayatin ang mga tagapakinig na tanggapin ang kawastuhan ang kanilang pananalig o paniniwala sa pamamagitan ng makatwirang pagpapahayag. (- Badayos)
- Ito ay isang pahpapahayag na nagbibigay ng sapat na katibayan o patunay upang ang isang panukala ay maging katanggap - tanggap o kapani-paniwala. Layunin nito na hikayatin ang mga tagapakinig na tanggapin ang kawastuhan ang kanilang pananalig o paniniwala sa pamamagitan ng makatwirang pagpapahayag. (- Badayos)
- Sa pangangatwiran, ang katotohaanan ay pinagtitibay o pinatutunayan sa pamamagitan ng mga katwiran o rason.
(- Arogante)
- Ang pangangatwiran ay isang sining sapagkat ang paggamit ng wasto, angkop at magandang pananalita ay makatutulong upang mahikayat na pankinggan, tanggapin at paniniwalaan ng nakikinig ang nangangatwiran.
- Ang pangangatwiran ay maituturing ding agham sapagkat ito ay may prosesong dapatisaalang-alang o sundin upang ito ay maging mahusay at matagumpay, lalo na sa formal na pangangatwiran gaya ng debate.
- Ang pangangatwiran ay isa ring kasanayan dahil ang kahusayan ay maaaring matamo n imo man subalit hindi sa paraang madali at sa maikling panahon lamang.
DAHILAN NG PANGANGATWIRAN:
1. upang mabigyang - linaw ang isang mahalagang usapin o isyu.
2. maipagtanggaol ang sarili sa mali o masamang propaganda laban sa kanya.
3 Makapagbahagi ng kanyang kaalaman sa ibang tao;
4. Makapagpahayag ng kanyang saloobin
5. Mapanatili ang magandang relasyon sa kanayng kapwa
KASANAYANG NALILINANG SA PANGANGATWIRAN
1. Wasto at mabilis na pag-iisip
2. Lohikong paghahanay ng kaisipan
3. Maayos at mabisang pagsasalita
4. Maingat na pagkilala at pagsusuri ng tama at maling katwiran
5. Pagpapahalaga sa kagandahang asal gaya ng pagtitimpi o
pagpipigil ng sarili at pag-unawa sa mga karaniwang
inilahad ng iba o pagtanggap sa nararapat na kapasyalan.
4. Maingat na pagkilala at pagsusuri ng tama at maling katwiran
5. Pagpapahalaga sa kagandahang asal gaya ng pagtitimpi o
pagpipigil ng sarili at pag-unawa sa mga karaniwang
inilahad ng iba o pagtanggap sa nararapat na kapasyalan.
URI NG PANGANGATWIRAN
|
1. PANGANGATWIRANG PABUOD (INDUCTIVE REASONING)
Nagsisimula sa maliit na katotohanan tungo sa isang panlahat na simulain o paglalahat ang pangangatwirang pabuod. Nahahati ang pangangatwirang ita sa tatlong bahagi.
a. Pangangatwirang gumagamit ng pagtutulad. Inilahad dito ang magkatulad na katangian, sinusuri ang katangian, at pinalulutang ang katotohanan. Ang nabubuong paglalahat sa ganitong pangangatwiran ay msasabing pansamantala lamang at maaaring mapasinungalingan. Maaring maging pareho ang pinaghahambing sa isa lamang katangian subalit magkaiba naman sa ibang katangian.
b. Pangangatwiran sa pamamagitan ng pag-uugnay ng pangyayari sa sanhi.
Nananalunton ito sa paniniwalang may sanhi kung kaya nagaganap ang isang pangyayari.
c. Pangangatwiran sa pamamagitan ng mga katibayan at pagpapatunay. Napapalooban ito ng mga katibayan o ebidensyang higit na magpapatunay o magpapatutuo sa tinutukoy na paksa o kalagayan.
Halimbawa ng Pabuod na pangangatwiran
|
- Pabuod (inductive reasoning) - Ang pangangatwirang ito ay nagsisimula sa maliit na halimbawa o katotohanan at nagtatapos sa isang panlahat na suliranin. May tatlong paraan ang ganitong uri ng pangangatwiran:
- Ang Pag-uugnay ng Pangyayari sa Sanhi. Bawat pangyayari ay may sanhi. Ang pangangatwiran natin ay nagsisimula sa mga sanhi tungo sa bunga o ang patumbalik nito. Ang ating konklusyon ay isang pahayag na ang isang pangayayri'y bunga ng isa pang pangyayari.
Halimbawa:
Ang pagmamatuwid na kaya hindi nakapasa sa pagsusulit ang mag-aaral ay sapagkat hindi siya nagbalik-aral.
- Gumagamit ng Pagtutulad. Inilalahad ang magkatulad na katangian, sinusuri ang mga ito at dito humahango ng konklusyon. Ang konklusyon sa ganitong pangangatwiran ay masasabing pansamantala lamang.
Halimbawa:
Magtayo tayo ng kooperatiba sa ating kolehiyo sapagkat ang kolehiyo sa Kabanatuan, sila ay may kooperatiba at malaki ang napapakinabang.
Ang pagmamatuwid na si si Miss dela Cruz ay mabuting guro sapagkat ang ama't ina niya ay mahusay ring mga guro.
- Gumagamit ng Katibayan at Pagpapatibay. Ang pagmamatuwid ay nanghahawakan sa mga ebidensya, katibayan at patunay.
Halimbawa:
Ang pagmamatuwid ni Lucio ang salarin sapagkat sa kanya ang nakuhang sapaang tsinelas sa tabi ng bangkay. Kay Lucio rin ang buckle ng sinturong siyang ipinamalo sa namatay na natagpuan sa di-kalayuan sa lugar ng krimen. Si Lucio ay nakagalit ng napatay.
2. PANGANGATWIRANG PASAKLAW (DEDUCTIVE REASONING)
Humahango ng isang pangyayari sa pamamagitan ng pagkakapit ng isang simulang panlahat ang pangangatwirang pasaklaw. Ang silohismo na siyang tawag sa ganitong pangangatwiran ay bumubuo ng isang pangungunang batayan, isang pangalawang batayan at isang konklusyon. Isang payak na balangkas ng pangangatwiran ang silohismo.
Mga halimbawa ng pangangatwirang pasaklaw
|
pangangatwirang pasaklaw -nagsisimula sa malaki patungo sa maliit na kaisipan o katotohanan!!!!!!!!
halimbawa:ang lahat ng hayop ay nilikha ng diyos .Ang manok ay isang uri ng hayop kung gayon ang manok ay nilkha ng diyos!!!!!!!!!!!
halimbawa:ang lahat ng hayop ay nilikha ng diyos .Ang manok ay isang uri ng hayop kung gayon ang manok ay nilkha ng diyos!!!!!!!!!!!
MGA ELEMENTO NG PANGANGATWIRAN
1. Proposisyon- panukala (Maaaring sang-ayon o di sang-ayon
2. Paksa
Halimbawa ng nangangatwiran
|
Isang Paksa:
* Dumadami na ang populasyon sa Pilipinas kailangan ng magtatag ng Batas na Kailangan sa isang Pamilya kailangang 2 anak lang.
3 URI NG PROPOSISYON
* Dumadami na ang populasyon sa Pilipinas kailangan ng magtatag ng Batas na Kailangan sa isang Pamilya kailangang 2 anak lang.
Pangyayari = Ito ay pagpapatunay o pagsasalawang-katotohanan ng isang
bagay.
bagay.
Kahalagahan = Ito ay pagtatanggol sa kahalagahan ng isang bagay o kaisipan.
Patakaran = Ito ay paghaharap ng isang pagkilos sa isang suliranin.
Patakaran = Ito ay paghaharap ng isang pagkilos sa isang suliranin.
PAGTATALO
|
Naglalayong na makapanghikayat ng iba na paniwalaan ang sinasabi sa pamamagitan ng pangangatuwiran. Maaari itong nakasulat o binibigkas.
Ang kahalagahan ng debate
-Para mapag-usapan o pagtaluhan ang isang sitwasyon.
ANO ANG MGA URI NG PAGTATALO
|
O DEBATE
DEBATENG OXFORD ( Rufino Alejandro )
Unang TagapagsalitaSang-ayon - maikling panimulaPaglalahad, patotoo sa unang isyuPagtatapos - lagom ng kanyang napatunayanBabanggitin ang gagawin ng susunod nakasama
Unang Salungat - maikling panimulaPatotoo sa unang isyuLalagumin ang mga matwid ng panig ngSalungat
Pangalawang Sang-ayon - maglalahad ng patotooNilalagom ang pangunahing matwid ng panig ng sang-ayon
Pangalawang Salungat - maghaharap ng isang tuligsa sa balak ng panig ng sang-ayon o naghaharap ng pamalitng pangunahing matwid ng panig ngsalungat
Pangatlong Salungat - talumpati ng ganting matwid-sinusuri niyaang mga hindi pinagkakaisahan ng panig ng sang-ayon at panig ng salungat at pinabubulaanan ang pangunahing matwid ng sang-ayon-sa pagwawakas , maaaring gumawa siya ng isangnakahihikayat na panawagan
Pangatlong Sang-ayon - pagsusuri ng mga pangunahing puntos ngipinagkakaibang kuro ng dalawang panig-maghaharap ng isang pagpapabulaan-magwawakas sa isang mapanghikayat na panawagan
DEBATENG OREGON
Unang Tagapagsalita ng dalawang panig - maghaharap ng pagmamatwid ng kani-kanilang panigPangalawang Tagapagsalita - magtatanong upang maipakilala angkarupukan ng mg matwid na panig ng katalo
Pangatlong Tagapagsalita - maghaharap ng pagpapabulaan bagolalagumin ang mga matwid ng kani-kanilang panig
Mga Paalala :
1.Ang ibibigay na tanong ay masasagot sa ilang pananalitalamang.
2. Isipin na agad ang maaaring isagot sa mga itatanong upangmapaghandaan
3.Sa pagtatanong , sikaping maipakilala ang kawalan ngawtoridad at ang karupukan ng matwid o ang pagkakasalungatan ng mga matwid ng kalaban
4.Magsimula sa tiyak patungong masaklaw
5.Iwasan ang pagbibigay ng tanong na wala sa matwid, walangkaugnayan o walang gaanong halaga
6.Huwag gelatin ang kalaban sa pamamagitan ng pagpipilit nasiya'y sumagot ng "oo" o "hindi"
DEBATENG OREGON - OXFORD
A.Pagpapakilala ng bawat koponan ( Pagtukoy sa mgatuntunin )
B.Paglalahad ng proposisyon
C.Pagbibigay ng katuturan
D.Paglilinaw sa mga isyu o buod ng pangangatwiran
E.Pagtatalo
Unang Tagapagsalita ( Sang-ayon ) -maglalahad ng buod magtatanong sa buod ngtalumpati
Unang tagapagsalita ( sang-ayon)Maglalahad ng buod ngtalumpati
Ikalawang Tagapagsalita ( Sang-ayon )- magtatanong sa buod ngtalumpatiMaglalahad ng buod ngtalumpati……………….( Lima - sampung minutong pagitan )
Unang Tagapagsalita ( salungat ) -tutuligsain ang buod ngunang tagapagsalita ( sang-ayon )
Unang Tagapagsalita ( sang-ayon ) - tutuligsain ang buod ngikalawang tagapagsalita (salungat)……………….
Lider ng panig ng sang-ayon -magbubuklod ng katwiranng pangkat
Lider ng panig ng salungat - magbubuklod ng katwiranng pangkat
F.Paghahatol ng Lupon
A.Pagpapakilala ng bawat koponan ( Pagtukoy sa mgatuntunin )
B.Paglalahad ng proposisyon
C.Pagbibigay ng katuturan
D.Paglilinaw sa mga isyu o buod ng pangangatwiran
E.Pagtatalo
Unang Tagapagsalita ( Sang-ayon ) -maglalahad ng buod magtatanong sa buod ngtalumpati
Unang tagapagsalita ( sang-ayon)Maglalahad ng buod ngtalumpati
Ikalawang Tagapagsalita ( Sang-ayon )- magtatanong sa buod ngtalumpatiMaglalahad ng buod ngtalumpati……………….( Lima - sampung minutong pagitan )
Unang Tagapagsalita ( salungat ) -tutuligsain ang buod ngunang tagapagsalita ( sang-ayon )
Unang Tagapagsalita ( sang-ayon ) - tutuligsain ang buod ngikalawang tagapagsalita (salungat)……………….
Lider ng panig ng sang-ayon -magbubuklod ng katwiranng pangkat
Lider ng panig ng salungat - magbubuklod ng katwiranng pangkat
F.Paghahatol ng Lupon
Sa sandali ng panunuligsa, tukuyin ang sumusunod :
1.mga maling katwiran
2.walang katotohanang batayan
3.kahinaan ng katibayan
4.mga pahayag na labas sa buod na pinagkasunduan
Sa oras ng paghatol , ang panig ng sang-ayon ang siyang may bigatng pagpapatibay at ang panig ng salungat ang siyang may bigat ng pagtuligsa.
References:
all volunteer from:http://mamsha.tripod.com/id37.html http://tl.answers.com/Q/Halimbawa_nang_pangangatwiran
http://tl.answers.com/Q/Ano_ang_iba%27t_ibang_uri_ng_pangangatwiran
http://wiki.answers.com/Q/3_uri_ng_proposisyon
http://tl.answers.com/Q/Halimbawa_ng_Pabuod_na_pangangatwiran
http://tl.answers.com/Q/Mga_halimbawa_ng_pangangatwirang_pasaklaw
http://tl.answers.com/Q/Kahulugan_ng_pagtatalo
http://tl.answers.com/Q/Ano_ang_kahalagahan_ng_debate
http://tl.answers.com/Q/Ano_ang_mga_uri_ng_pagtatalo
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento