PANGUNGUSAP
Sa linggwistika, ang pangungusap ay lipon ng mga salita na nagpapahayag ng buong diwa. Binubuo ito ng panlahat na sangkap, ang panaguri at ang paksa subalit buo ang diwa.
Mga nilalaman
Mga ayos[baguhin | baguhin ang batayan]
May dalawang ayos ang pangungusap, ang karaniwan at di-karaniwan. Kung ang panaguri ay nauuna kaysa simuno, ang pangungusap ay nasa karaniwang ayos; at kung ang simuno naman ang nauuna kaysa sa panaguri, ang pangungusap ay nasa di-karaniwang ayos. Ang panandang "ay" ay kadalasang makikita sa mga pangungusap na nasa di karaniwang ayos.
- Karaniwan - nagsisimula sa panaguri at nagtatapos sa simuno
- Halimbawa: Mayroong bagong tsinelas si Ana.
- Di-Karaniwan - nagsisimula sa simuno at nagtatapos sa panaguri
- Halimbawa: Si ranilene ay bumili ng bagong tsinelas.
Uri[baguhin | baguhin ang batayan]
Ayon sa pangungusap na walang paksa[baguhin | baguhin ang batayan]
- Mga pangungusap na eksistensyal - nagpapahayag ng pagkamayroon ng isa o higit pang tao, at iba pa. Pinangungunahan ito ng may o mayroon.
- Halimbawa: Mayroon daw ganito roon.
- Mga pangungusap na pahanga - nagpapahayag ng damdaming paghanga.
- Halimbawa: Kayganda ng babaing iyun!
- Mga sambitla - tumutukoy sa mga iisahin o dadalawahing pantig na nagpapahayag ng matinding damdamin.
- Halimbawa: Aray!
- Mga pangungusap na pamanahon - nagsasaad ng oras o uri ng panahon.
- Halimbawa: Maaga pa.
- Mga pormularyong panlipunan - mga pagbati, pagbibigay-galang, atbp. na nakagawian na sa lipunang Pilipino.
- Halimbawa: Magandang umaga po.
- Mga pangungusap na sagot lamang - sagot sa mga tanong na hindi na kailangan ng paksa.
- Halimbawa: T: Sino siya? S: Kaibigan.
- 'Mga pangungusap na pautos/pakiusap - Ang pangungusap na pautos ay nag-uutos o nakikiusap. Gumagamit ito ng salitang paki ang pakiusap.
- Halimbawa: Pakidala.
Ayon sa kayarian[baguhin | baguhin ang batayan]
Ang pangungusap ay may apat na kayarian: payak, tambalan, hugnayan at langkapan.
Ang payak na pangungusap ay nagpapahayag ng iisang kaisipan. Maaaring nagtataglay ng payak o tambalang simuno at panaguri. Mayroon itong apat na kayarian:
- Payak na simuno at payak na panaguri
- Payak na simuno at tambalang panaguri
- Tambalang simuno at payak na panaguri
- Tambalang simuno at tambalang panaguri
Halimbawa:
- Ang pamahalaan ay masigasig sa mabilisang pagsugpo ng kriminalidad sa bansa.
- Ang mga lalaki at babae ay naghahanda ng palatuntunan para sa darating na pista.
- Ang aming pangkat ay naglinis ng mga kalye at nagpinta ng mga pader sa paaralan.
- Ang mga guro at mag-aaral ay aawit at sasayaw para sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika.
Ang tambalang pangungusap ay binubuo ng dalawa o higit pang sugnay na makapag-iisa.
Halimbawa:
- Nagtatag ng isang pangako si Arnel at umisip siya ng magandang proyekto para sa mga kabataan sa kanyang pook.
- Maraming balak silang gawin sa Linggo: magpapamigay sila ng pagkain sa mga batang lansangan, magpapadala sila nga mga damit sa mga batang ulila saka maghahandog sila ng palatuntunan para sa mga maysakit sa gabi.
Ang hugnayang pangungusap ay binubuo ng isang sugnay na makapag-iisa at isa o dalawang sugnay na di-makapag-iisa.
Halimbawa:
- Gaganda ang iyong buhay kung susunod ka sa mga pangaral ng inyong magulang.
- Ang batang putol ang mga kamay ay mahusay gumuhit.
Ang langkapang pangungusap ay binubuo ng dalawa o mahigit pang sugnay na makapag-iisa at dalawa o mahigit pang sugnay na di-makapag-iisa.
Halimbawa:
- Ang buhay sa mundo ay pansamantala lamang kaya't dapat na tayo ay magpakabuti upang makamit ang kaligayahan sa kabilang buhay.
- Nahuli na ang mga masasamang-loob kaya't payapa na kaming nakatutulog sa gabi, kasi sila lamang ang gumugulo sa amin.
- Ang mga bayani natin ay namuhunan ng dugo upang makamtan ang kalayaan nang ang bayan ay matahimik at lumigaya.
Ayon sa gamit[baguhin | baguhin ang batayan]
Maiuuri rin ang pangungusap bilang pasalaysay o paturol, patanong, pautos, at padamdam:
- Pasalaysay o Paturol - Ito ay nagsasalaysay ng katotohanan o pangyayari. Lagi itong nagtatapos sa tuldok (.).
- Patanong - Ito ay nag-uusisa tungkol sa isang katotohanan o pangyayari, at tandang pananong (?) ang bantas sa hulihan nito.
- Pautos - Ito ay uri ng pangungusap kung saan ay nakikiusap o nag uutos ito.
- Padamdam - Ito ay nagsasabi ng matinding damdamin gaya ng tuwa, pagkagulat, paghanga, panghihinayang at iba pa.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento